Home NATIONWIDE Josie, isa nang low pressure area — PAGASA

Josie, isa nang low pressure area — PAGASA

1
0

MANILA, Philippines — Tuluyan nang humina ang Tropical Depression Josie at naging isang low pressure area (LPA) nitong Martes ng hapon, ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA).

Sa 3 p.m. advisory, huling namataan ang LPA sa layong 1,095 kilometro silangan ng timog-silangang Luzon.

Samantala, ang isa pang LPA na nasa labas ng Philippine Area of Responsibility (PAR) ay lumakas at naging isang tropical depression.

Ayon sa PAGASA, patuloy na magdadala ang southwest monsoon o habagat ng pag-ulan sa kanlurang bahagi ng Hilagang Luzon. Inaasahan ang maulap na kalangitan na may kalat-kalat na pag-ulan at pagkidlat-pagkulog sa Ilocos Norte, Ilocos Sur, at Abra.

Sa Metro Manila at nalalabing bahagi ng bansa, inaasahan naman ang bahagyang maulap hanggang maulap na kalangitan na may mga pulu-pulong pag-ulan o thunderstorms dulot ng localized thunderstorms.

Nagbabala ang PAGASA sa posibleng pagbaha at pagguho ng lupa sa mga lugar na makararanas ng malalakas na thunderstorms.

Naunang pumasok sa PAR ang bagyong Josie nitong Martes bago ito humina sa tropical depression at kalaunan ay naging low pressure area. Wala namang nakataas na tropical cyclone wind signal sa anumang bahagi ng bansa. RNT/MDS

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here