Home HOME BANNER STORY NDRRMC: Bilang ng nasawi sa Habagat, Bagyong Inday umabot na sa 23

NDRRMC: Bilang ng nasawi sa Habagat, Bagyong Inday umabot na sa 23

3
0

MANILA, Philippines – Umabot na sa 23 ang naitalang nasawi dahil sa pinalakas na Habagat at Bagyong Inday, ayon sa NDRRMC. Sa bilang na ito, isa pa lamang ang kumpirmadong nasawi, habang bineberipika pa ang 22 iba pa.

Naitala rin ang 18 nawawala, kung saan dalawa pa lamang ang kumpirmado, at walo ang nasugatan, dalawa rito ang napatunayan na.

Apektado ng sama ng panahon ang 782,874 katao o 167,059 pamilya sa 12 rehiyon.

May 21,081 katao ang nananatili sa evacuation centers, habang 3,063 ang maagang inilikas.

Nakapagtala rin ang NDRRMC ng 301 binahang lugar, 1,202 nasirang bahay, at 41 nasirang imprastraktura.

Umabot na sa ₱40.4 milyon ang naipamahaging tulong ng pamahalaan sa mga apektadong pamilya.

Patuloy pa rin ang beripikasyon ng bilang ng mga nasawi, nasugatan, at nawawala sa pakikipagtulungan ng mga lokal na tanggapan ng disaster response. RNT/MDS

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here