Home METRO Yellow Alert muling ipinatupad sa Visayas power grid

Yellow Alert muling ipinatupad sa Visayas power grid

1
0

MANILA, Philippines – Muling isinailalim sa Yellow Alert ang Visayas power grid ngayong Hulyo 14, ayon sa National Grid Corporation of the Philippines (NGCP).

Epektibo ang alerto mula 5:00 p.m. hanggang 8:00 p.m., kaya posible ang rotational brownout sa ilang lugar sa Visayas sa naturang oras.

Ayon sa NGCP, kulang pa rin ang suplay ng kuryente upang matugunan ang pangangailangan ng grid. May 2,590 megawatts na available na suplay habang inaasahang aabot sa 2,394 megawatts ang pinakamataas na demand. Tatlong malalaking power plant din ang nananatiling hindi pa gumagana.

Nakararanas ng Yellow at Red Alert ang Visayas mula pa noong unang bahagi ng Mayo. Bagama’t nangako ang Department of Energy na babalik sa normal ang suplay ng kuryente pagsapit ng Hulyo, wala pang isang linggo ngayong buwan na walang alerto sa Visayas power grid. RNT/MDS

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here