Home NATIONWIDE Consumer advocacy group hiniling sa NEA na baguhin rating system ng mga...

Consumer advocacy group hiniling sa NEA na baguhin rating system ng mga electric cooperative

3
0

MANILA, Philippines – Nanawagan ang consumer advocacy group na ILAW Pilipinas sa National Electrification Administration (NEA) na rebisahin ang sistema ng pagtatasa sa performance ng mga electric cooperative (EC).

Ayon sa grupo, hindi makatotohanan ang kasalukuyang rating dahil hindi nito nararanasan ng mga consumer. 

Iginiit ng ILAW  na masyadong nakatuon ang NEA sa pinansyal at operational na datos. Pero hindi nasusukat dito ang kalidad ng serbisyo, bilis ng pag-aksyon sa reklamo, pagiging tuloy-tuloy ng suplay ng kuryente, at kasiyahan ng mga consumer. 

Sa pinakahuling ulat ng NEA, 81 sa 121 ECs ang nakakuha ng Green rating habang  26 ang Yellow, anim ang Orange, at walo ang Red o itinuturing na “ailing”. 

Para sa ILAW, dapat ding isama sa evaluation ang karanasan ng mga member-consumer at presyo ng kuryente para maging mas makabuluhan ang ratings. 

Hinikayat din ng grupo ang publiko na maging mas aktibo — unawain ang sektor ng enerhiya, gamitin ang mga complaint mechanism,at maningil ng pananagutan sa mga EC at sa regulator para mapabuti ang serbisyo. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here