Home NATIONWIDE Ebidensya sapat kahit tanggihan subpoena sa tax records – prosekusyon

Ebidensya sapat kahit tanggihan subpoena sa tax records – prosekusyon

2
0

MANILA, Philippines – May sapat na ebidensya ang impeachment prosecutors para patunayan ang alegasyon ng unexplained wealth laban kay Vice President Sara Duterte sakaling ibasura ng Senado ang hiling na ipasubpoena ang kanyang mga bank at tax records.

Sa isang media briefing, inihayag ni prosecution team member at San Juan Rep. Ysabel Maria Zamora na kayang-kaya nilang maglatag ng matibay na kaso para mapatalsik sa pwesto ang bise presidente kahit wala ang hinihinging dokumento.

“We have enough evidence to support each of the articles,” pahayag ni Zamora.

“Even if we don’t have the documents that we are requesting for, we can support the prosecution of the four articles.” dagdag pa nito.

Samantala, kinuwestiyon naman ni Deputy Speaker Paolo Ortega V ng La Union ang marahas na paggigiit ng defense team ni Duterte na harangan ang hiling ng prosekusyon sa mga bank, AMLC, at Bureau of Internal Revenue (BIR) records.

Ayon kay Ortega, nag-iiwan ito ng malaking kuwestiyon sa publiko.

“Simple lang ang tanong ng ordinaryong Pilipino: Kung walang itinatago, bakit takot sa bank records?” ani Ortega.

Nilinaw ng mambabatas na hindi naman agad hinahatulan ng prosekusyon ang bise presidente gamit lamang ang mga paratang.

“What the prosecution is asking is for the Court to allow access to evidence that may help establish the truth. Whether those records ultimately support or weaken the allegations is a matter that should be determined through the judicial process—not prevented from the outset,” paliwanag ni Ortega.

“Hindi pa ito usapin ng guilt. Usapin pa lang ito kung dapat bang makita ng Impeachment Court ang mga dokumentong maaaring makatulong sa paghahanap ng katotohanan.” paliwanag ni Ortega.

Tinawag din niyang “ironic” o nakapagtataka na ipinagmamalaki ng depensa na walang anomalya sa mga records ngunit todo-pigil naman silang ilabas ito.

“Kung ang argumento nila ay wala namang mapapatunayan ang mga bank records, AMLC reports, at tax records, bakit kailangang pigilan ang paglabas ng mga ito? Hayaan nating ang ebidensya mismo ang magsalita,” dagdag pa nito.

Aniya, ang subpoena ay normal na legal na proseso para sa pagkalap ng ebidensya.

“A subpoena is not a declaration of guilt. It is simply the Court exercising its authority to determine whether evidence relevant to the case should be produced,” giit ni Ortega.

Pinaalalahanan din ng mambabatas ang publiko na ang impeachment ay para sa interes at tiwala ng mamamayan, at hindi para protektahan ang mga personal na dokumento ng mga opisyal.

Kung naniniwala ang depensa na walang makikitang mali, wala silang dapat ikatakot sa katotohanan,” sabi ni Ortega.

Tiniyak naman ng prosekusyon na gagamitin nila ang lahat ng legal na paraan para mailatag ang buong katotohanan sa Impeachment Court. Gail Mendoza

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here