Home ENTERTAINMENT BB, na-diagnose na may sakit sa puso!

BB, na-diagnose na may sakit sa puso!

1
0

Manila, Philippines – May dalawang buwan nang narito sa bansa si BB Gandanghari.

Sa kanyang guesting sa Fast Talk with Boy Abunda, ipinagtapat niya ang dahilan ng kanyang pananatili sa bansa.

BB has bèen staying in the US, at pauwi-uwi na lang dito.

Aniya, narito siya for health reasons.

Back in the US daw, “I was diagnosed with cardiovascular condition. May blockage sa puso ko.”

Inirekomenda daw ng doktor doon na sumailalim si BB sa angiogram–at kung kinakailangan pa’y kabitan ng stent.

The reason for coming home was to get a second opinion.

Awa naman daw ng Diyos, nang magpatingin siya dito’y nawala ang bara sa kanyang puso.

What also got her worried ay tigil na ang mga dati niyang pisikal na gawain–she needs to slow down.

Samantala, nangingislap ang mga mata ni BB nang usisain ni Boy ang tungkol sa lalaking kasama niyang naglalakad sa dalampasigan.

In love nga ba si BB?

Tumitibok na ba ang puso niya sa lalaking nakilala niya noong magpunta sa Iloilo City–na tinaguriang City of Love?

“Hindi pa naman, but let’s see,” nakangiti’t nakakaintrigang sagot ni BB. Ronnie Carrasco III

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here