Home HOME BANNER STORY Prosecution team, tapos na sa Article IV; Matibag huling testigo

Prosecution team, tapos na sa Article IV; Matibag huling testigo

3
0

MANILA, Philippines – Itinuturing na halos kumpleto na ng House prosecution panel ang kanilang presentasyon ng ebidensya sa Article IV o threat charge laban kay Vice President Sara Duterte kung saan si National Bureau of Investigation (NBI) Chief Melvin Matibag ang magiging huling testigo na ipriprisinta sa pagdinig sa Martes, Hulyo 21.

Ito ay matapos i-withdraw ng panel ang ilan sa mga dati nilang testigo na itinuring nilang redundant, cumulative, o hindi na kailangan pang iharap sa Impeachment Court.

Ayon kay House lead prosecutor at Batangas Rep. Gerville Luistro, kukumpletuhin na ni Matibag ang ebidensya ng prosecution sa threat charge bago sila lumipat sa Article 1 na may kinalaman sa confidential funds ni Duterte.

“This withdrawal, Your Honor, renders Attorney Melvin Matibag, the NBI director, as our last witness for threat, who will be testifying this coming Tuesday, Your Honor,” ayon kay Luistro.

Naunang desisyon ng prosecution na hindi na iharap sina Zuleika Lopez, dating chief of staff ni Duterte, at si Capt. Belinda Bello, matapos makumpleto ang testimonya ni NBI Regional Director Jeremy Lotoc, kung saan napag-alaman na sakop na ng kanyang salaysay ang mga bagay na maituturing na naipakita na sa paglilitis.

Bukod dito, kinansela rin ni Luistro ang testimonya ng isang representative mula sa Philippine National Police Firearms and Explosives Office, mga journalist na sina Mikhail Flores at Bonz Magsambol, Sheriff Abe Andres, isang kamag-anak ng isa sa mga biktima ng banta, at isang psychiatrist.

Napagpasyahan din ng prosecution na hindi na kailangan pa ang dalawang journalist upang kumpirmahin ang mga pahayag ni Duterte sa Nov. 23, 2024 video conference, dahil pinatunayan na ang authenticity ng recording ng isang NBI agent, at inamin naman ito ng depensa.

Sakop ng Article IV ang akusasyon na nagkasala si Duterte ng culpable violation of the Constitution at betrayal of public trust dahil sa kanyang mga pagbabanta sa buhay. Nina Pangulong Ferdinand Marcos Jr., First Lady Liza Araneta-Marcos, at dating Speaker Martin Romualdez.

Samantala, matapos ang testimonya ni Matibag, maghahanda na ang panel na simulan ang presentasyon nila para sa Article I sa Hulyo 22, kung saan hihiling sila ng subpoena para sa isang opisyal ng House legislative archives at dalawang dating branch manager ng LandBank na may kaugnayan sa mga transaksyon sa confidential fund ni Duterte.

Kabilang sa pinasusubpoena sina Marivic Pareja ng Legislative Archives and Museum Management Service ng House of Representatives, Violeta Constantino, dating branch manager ng LandBank Shaw Boulevard branch,at Nenita Camposano, dating branch manager ng LandBank DepEd branch. Gail Mendoza

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here