MANILA, Philippines – Extreme Northern Luzon na lamang ang naaapektuhan ng Habagat ngayong Huwebes, Hulyo 16.
Ayon sa PAGASA, ang Batanes at Babuyan Islands ay magkakaroon ng bahagyang maulap hanggang sa maulap na kalangitan na may isolated rainshowers o thunderstorms dahil sa Habagat.
Ang Metro Manila at nalalabing bahagi ng bansa ay magkakaroon ng kaparehong lagay ng panahon dahil naman sa Localized Thunderstorms. RNT/JGC