Home ENTERTAINMENT Paulo at anak kay LJ, nag-bonding sa US!ENTERTAINMENTSHOWBIZTOP STORIES Paulo at anak kay LJ, nag-bonding sa US!July 16, 2026 08:5920 FacebookTwitterPinterestWhatsApp New York, USA – Sa wakas, nagkita’t nag-bonding pa sa Amerika si Paulo Avelino at si Aki, ang kanyang anak kay LJ Reyes.Sa photo, magkaharap ang mag-ama.Nakaupo si Aki sa gilid ng bakod sa highway while nakatayo naman si Paulo.In broad daylight ‘yon.Mukhang bago ang litrato dahil binata na si Aki–kapareho lang din how he looked sa opening ng cookie store business ng kanyang ina sa New York.Obyus na kuha ang photo na ‘yon nang magpunta recently si Paulo sa US.The caption reads: “A recap of how life has been lifting these past few months.”Kasama din sa photo dump ang opening ng new business ni Paulo which Kim Chiu is promoting.Lalo pang ikinakilig ng mga KimPau fans ang paniniwalang it was the TV host-actress who took pictures of Paulo and Aki.Ibig lang daw sabihin niyon, magkasama ang rumored couple nang bisitahin ng aktor ang kanyang anak.Obyus bang ipinakilala na ni Paulo si Kim kay Aki, at si Aki sa kanyang Tita Kim?Even if Kim is nowhere in the photo, ramdam ang kanyang presensya dahil cellphone niya ang ginamit sa pagkuha ng litrato.Pati daw ang camera na nakasukbit kay Paulo ay pag-aari ni Kim.Entonces, wala na nga silang itinatago sa kanilang relasyon!What you see is what you definitely get! Ronnie Carrasco III