TOKYO, Japan – Isang 51-anyos na nars ang inaresto ng pulisya malapit sa Tokyo matapos umanong patayin ang isang 75-anyos na pasyente sa pamamagitan ng paglalagay ng dumi sa intravenous (IV) line nito.
Kinilala ang suspek na si Miyuki Furukawa, empleyado ng isang ospital sa Chiba Prefecture. Itinanggi niya ang paratang kaugnay ng pagkamatay ng pasyenteng si Eiji Aita.
Ayon sa pulisya, bandang 3:55 a.m. noong Enero 30, umano’y nag-inject si Furukawa ng dumi sa IV tube ng pasyente. Namatay si Aita dahil sa multiple organ failure bandang 10:30 p.m. kinabukasan.
Nadiskubre ang insidente matapos iulat ng isang empleyado ng ospital sa pulisya ang kahina-hinalang pagkamatay ng pasyente noong Pebrero 1.
Kinilala ng mga imbestigador si Furukawa bilang suspek batay sa CCTV footage at iba pang ebidensya. Patuloy ang imbestigasyon sa kaso. RNT/MDS