Home NATIONWIDE Tulfo: Requirements para sa mga ambulant vendor, gawing mas simple

Tulfo: Requirements para sa mga ambulant vendor, gawing mas simple

1
0

MANILA, Philippines – Nanawagan si Senador Erwin Tulfo na gawing mas simple ang mga requirements para sa mga ambulant vendor, dahil nahihirapan umano silang legal na makapagnegosyo kahit nakatanggap na ng livelihood assistance mula sa pamahalaan.

Ayon kay Tulfo, nagbibigay ng puhunan ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) at Department of Trade and Industry (DTI), ngunit nahaharap pa rin ang mga vendor sa napakaraming permit at dokumentong kailangang isumite.

“There are too many requirements. If they fail to meet them, they are considered illegal vendors… Many of them get discouraged by this constant harassment and tedious red tape,” ani Tulfo sa pagdinig ng Senado tungkol sa panukalang Magna Carta for Informal Ambulant Vendors.

Binatikos din niya ang paglalagay sa mga vendor sa mga lugar na kakaunti ang tao, na aniya’y nagpapahirap sa kanilang kumita.

Samantala, sinabi ni Angelica Sanchez ng League of Provinces of the Philippines na may pangamba sa pagpapayagang magtinda sa mga bangketa dahil maaari itong makaapekto sa kaligtasan at pagdaan ng mga pedestrian.

Nanawagan naman si Tulfo at iba pang resource persons na magkaroon ng mas simple at pare-parehong requirements sa lahat ng local government units (LGUs).

Ayon kay Atty. Noel Sala ng Department of the Interior and Local Government (DILG), mayroon nang Business One-Stop Shops at mga sistemang nagsasama ng mga barangay requirement sa pagkuha ng business permit upang mapabilis ang proseso. RNT/MDS

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here