Home METRO Beautician nanghimas ng ‘hotdog’ ng menor de edad, kalaboso

Beautician nanghimas ng ‘hotdog’ ng menor de edad, kalaboso

3
0

BULACAN, Philippines – Arestado ang isang beautician matapos umanong hipuan ang isang binatilyong naglalakad sa kalye sa lungsod ng San Jose Del Monte (SJDM) nitong gabi ng Hulyo 14.

Sa ulat ng SJDM police station, naganap ang insidente bandang 9:50 ng gabi sa Brgy. Sto. Cristo.

Ayon sa ulat, ang biktima ay isang 14, anyos, estudyante, habang ang suspek ay si alyas “CTA”, 33, lalaki, single, beautician, kapwa residente ng Brgy. Sto. Cristo.

Base sa inisyal na imbestigasyon, pauwi ang biktima na naglalakad sa kalye kasama ang kanyang churchmate nang lapitan ito ng suspek.

Nabatid na inalok umano ng suspek ang biktima na makipagromansa sa kanya kapalit ang pera at biglang hinipuan niya rin ito sa maselang parte ng katawan.

Nang makauwi ay agad isinumbong ng biktima sa kanyang ama ang nangyari kaya agad nilang inireport sa kanilang Barangay na rumesponde sa lugar kaya nahuli kalaunan ang suspek.

Dahil dito, dinala ang biktima sa CSWDO para sa assistance habang ang suspek ay nahaharap sa kasong Acts of Lasciviousness na nasa kustodiya ng istasyon. (Dick Mirasol III)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here