Home METRO Retiradong Pulis, arestado sa buy-bust sa CamSur

Retiradong Pulis, arestado sa buy-bust sa CamSur

3
0

CAMARINES SUR, Philippines – Arestado ang isang retiradong pulis matapos mahulihan ng hinihinalang shabu sa buy-bust operation sa Iriga City, Camarines Sur noong Hulyo 16.

Kinilala ang suspek na si Richmond Ursus Turiano Bonnevie II, 45, dating Police Staff Sergeant ng Police Regional Office 5.

Ayon sa pulisya, nasamsam mula sa kanya ang apat na sachet ng hinihinalang shabu na tumitimbang ng humigit-kumulang 9.6 gramo at tinatayang nagkakahalaga ng P65,280.

Narekober din ang buy-bust money, mga boodle bill, susi ng motorsiklo, P507 na cash, at isang disposable lighter.

Ayon sa PNP, kabilang si Bonnevie sa mga retiradong pulis na mino-monitor sa ilalim ng IMEG COPLAN “DI-NA” dahil sa umano’y pagkakasangkot sa ilegal na droga.

Nasa kustodiya na siya ng Iriga City Police Station at nahaharap sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 (Republic Act No. 9165). RNT/MDS

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here