Home METRO P1.32M kontrabandong sigarilyo, nasabat sa Dapitan Port – PCG

P1.32M kontrabandong sigarilyo, nasabat sa Dapitan Port – PCG

1
0

ZAMBOANGA DEL NORTE, Philippines – Nasabat ng Philippine Coast Guard (PCG) ang isang kargamento ng kontrabandong sigarilyo na itinago sa loob ng isang pampasaherong bus sa Dapitan City Port noong Miyerkules ng gabi.

Ayon sa PCG, ang bus ay mula sa Zamboanga City at papunta sa Bacolod City sakay ng isang Ro-Ro vessel na daraan sa Dumaguete City.

Nadiskubre ng mga awtoridad ang 951 ream ng iba’t ibang tatak ng sigarilyo na walang kaukulang dokumento mula sa Bureau of Customs at patunay ng pagbabayad ng buwis. Tinatayang nagkakahalaga ang mga ito ng P1.32 milyon.

Isinailalim sa imbentaryo at dokumentasyon ang mga nakumpiskang sigarilyo bago ito isinuko sa Bureau of Customs para sa kaukulang legal na proseso.

Patuloy ang imbestigasyon upang matukoy ang mga responsable sa tangkang pagpupuslit at kung may nalabag na mga batas sa customs at pampublikong kalusugan. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here