Home TOP STORIES Racist AI video vs Pinoys, kinondena ni Goitia

Racist AI video vs Pinoys, kinondena ni Goitia

47
0

MANILA – Mariing kinondena ni Alyansa ng Bantay sa Kapayapaan at Demokrasya (ABKD) Chairman Emeritus Dr. Jose Antonio Goitia ang umano’y rasismong AI-generated video na inilabas ng China Daily na naglalarawan umano sa mga Pilipino bilang mga unggoy.

Ayon kay Goitia, hindi lamang umano ang paninindigan ng Pilipinas sa usapin ng West Philippine Sea ang tinarget ng naturang video kundi maging ang dignidad ng buong sambayanang Pilipino. Aniya, walang puwang ang rasismo sa isang sibilisadong lipunan, maging sa diplomasya, pamamahayag at ugnayan ng mga bansa.

Sinabi rin ni Goitia na ang paggamit ng artificial intelligence upang hamakin ang isang lahi ay isang uri ng propagandang nararapat kondenahin ng lahat ng Pilipino.

Inugnay rin niya ang paglabas ng video sa naunang kontrobersyal na pahayag ng ilang Chinese scholars na nag-aangking bahagi umano ng China ang Batanes, na kalaunan ay binawi matapos umani ng matinding batikos mula sa mga opisyal, historyador at publiko.

Iginiit ni Goitia na kapag nabibigo ang kasinungalingan at propaganda, nauuwi umano ito sa rasismo. Binigyang-diin din niya na nananatiling bahagi ng Pilipinas ang Batanes at patuloy na pinagtitibay ng 2016 Arbitral Award ang posisyon ng bansa sa West Philippine Sea.

Kasabay nito, nagpahayag siya ng suporta sa Department of National Defense sa pagkondena sa naturang video at hinikayat ang sambayanang Pilipino na magkaisa sa pagtatanggol sa dignidad at soberanya ng bansa.

Nanawagan din si Goitia sa China Daily na agad alisin ang naturang video at humingi ng walang pasubaling paumanhin sa sambayanang Pilipino, habang iginiit na hindi maaaring yurakan ang dignidad at pagkakakilanlan ng mga Pilipino sa pamamagitan ng anumang uri ng rasistang propaganda. JAY REYES

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here