MANILA, Philippines – Sinabi ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na pinalakas ng kanyang three-day state visit sa Singapore ang bilateral ties at nakakuha ng investment commitments na susuporta sa ‘digital transformation, infrastructure development, at healthcare expansion’ ng Pilipinas.
Sa naging pagbisita ng Pangulo sa Singapore, nakapulong nito si Singapore Prime Minister Lawrence Wong, business at investment executives, at nagpartisipa sa roundtable discussion sa Milken Institute kasama ang regional business leaders.
Ibinahagi nito na pinag-usapan nila ni PM Wong ang pagpapalawak sa pagtutulungan pagdating sa larangan ng kalakalan at pamumuhunan, artificial intelligence (AI), education, environment, healthcare, at people-to-people exchanges.
Binigyang diin ni Pangulong Marcos na sa kanyang pakikipagpulong sa mga nangungunang Singaporean companies at investors, sinabi niya na nananatiling committed ang gobyerno na pabalisin ang digital transformation at palakasin ang mahalagang imprastraktura.
“During the high-level business meetings with leading Singaporean companies and investors, I underscore the Philippines’ commitment to accelerating digital transformation, to strengthening critical infrastructure, and to expanding access to quality healthcare,” anito.
Winika ni Pangulong Marcos na ang pag-uusap ay nakatuon sa pagtutulungan sa digital technology, telecommunications, data centers, AI, at healthcare, ang mga sektor na aniya’y makatutulong na paghusayin ang innovation ecosystem ng bansa at nd suportahan ng long-term inclusive economic growth.
“I highlighted the Philippines’ position as a strategic investment destination in Southeast Asia, supported by a growing digital economy, a skilled workforce and a strong reform agenda that continues to attract high-value, technology-driven investments from trusted partners such as Singapore,” anito.
Samantala, nakapulong din ni Pangulo Marcos ang Singtel Group at ABC Impact kung saan tinalakay ang kanilang nagpapatuloy na investments at expansion plans sa Pilipinas.
Tinuran pa ng Pangulo na pinagtibay nila ng Singtel ang long-term commitment sa pamamagitan ng pagpapalawak ng NCS Philippines at patuloy na pag-unlad ng ST Telemedia Global Data Centre’s facilities, pagpapalakas sa digital infrastructure at AI capabilities ng bansa. (KRIS JOSE)