Manila, Philippines – Nanguna si Paulo Avelino sa online poll ng Outstanding Asian Star award sa 2026 Seoul International Drama Awards.
Bago magsara ang botohan, halos 11 percent ang lamang niya kay Kim Chiu na nasa pangalawang puwesto.
Mula sa dating ikatlong puwesto, umarangkada sa ikalawang spot si Kim.
Pumapangatlo naman si Anne Curtis.
Sa pagkapanalo ni Paulo, maihahanay na siya kina Dennis Trillo (2016), Gabby Concepcion(2017), Alden Richards (2019), Dingdong Dantes( 2020), Belle Mariano (2022), Kathryn Bernardo (2023), Kim Chiu (2024) at Daniel Padilla (2025) na nanalo sa previous editions ng SDA.
Ang Outstanding Asian Award ay dating Asian Star Award ng nasabing award giving body.
Si Dennis ang kauna-unahang Pinoy na recipient ng nabanggit na award para sa kanyang pagganap sa seryeng “My Faithful Husband” noong 2016.
Si Paulo naman ay wagi ngayong taon para sa TV series na “The Alibi” kung saan katambal niya si Kim. Archie Liao