Home NATIONWIDE Padilla ‘di tumugon sa patawag ng Ombudsman kaugnay ng pagtulong kay Dela...

Padilla ‘di tumugon sa patawag ng Ombudsman kaugnay ng pagtulong kay Dela Rosa

1
0

MANILA, Philippines – Hindi umano tumugon si Senador Robin Padilla sa summons ng Office of the Ombudsman kaugnay ng reklamong isinampa laban sa kanya dahil sa umano’y pagtulong sa pagtakas ni Senador Ronald “Bato” dela Rosa.

Ayon kay Ombudsman Jesus Crispin Remulla, lumipas na ang itinakdang deadline ngunit wala pa ring isinumiteng counter-affidavit si Padilla.

“Kung pinili niyang huwag tumugon sa Ombudsman, desisyon niya iyon. Maglalabas kami ng resolusyon kahit wala ang kanyang counter-affidavit,” ani Remulla.

Noong Hunyo 23, inatasan ng Ombudsman sina Padilla, Senador Alan Peter Cayetano, at dating Senate Sergeant-at-Arms Ma. O. Aplasca na magsumite ng kanilang sagot sa reklamong inihain ng grupong Tindig Pilipinas.

Samantala, nakapagsumite na ng counter-affidavit si Cayetano, habang humiling naman ng palugit si Aplasca na pinagbigyan ng Ombudsman.

Nag-ugat ang reklamo matapos umanong matulungan ni Padilla si Dela Rosa na makaalis sa Senado noong Mayo, habang tinatangka siyang arestuhin ng mga ahente ng National Bureau of Investigation (NBI) batay sa warrant ng International Criminal Court (ICC).

Ayon sa Criminal Investigation and Detection Group (CIDG), hindi lamang simpleng pagsabay sa sasakyan ang nangyari, kundi isang planadong hakbang upang hindi matunton si Dela Rosa habang umaalis sa Senado. RNT/MDS

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here