Home ENTERTAINMENT Birth certi ng IVF baby ni transman Aian, pineke?

Birth certi ng IVF baby ni transman Aian, pineke?

1
0

Manila, Philippines – Naging malakas ang pasabog ng socmed content creator na si Makagago sa isa ring content creator/transman na si Aian Lazaro, na ang tunay na pangalan ay si Vivian Marie Lazaro.

For a backgrounder lang, si Aian ay isang transgender man na nauna nang nagbahagi ng kanyang kuwento sa mga panayam sa kanya, kabilang kina Karen Davila at sa Eat Bulaga.

Ayon kay Aian, nagkaroon sila ng anak ng kanyang partner na si Apple sa pamamagitan ng in vitro fertilization (IVF), at sinabi rin nilang milyon-milyong piso ang kanilang nagastos para rito.

Sa content ni Makagago, may lumabas na mga alegasyon na may isa umanong tao na tumulong sa pagpopondo ng kanilang IVF.

So, sinungaling ba si Transman Aian?  Sina Aian ba talaga ang gumastos o yung isang taong nag-sponsor sa kanila, ayon kay Makagago?

Ngayon naman ay may isa pang isyu na kumakalat sa socmed na lumalabas ngayon na ang diumano’y nakasaad sa birth certificate ng kanilang latest IVF baby ay si Aian ang “mother” nito at walang nakatalang ama.

Ang ibig sabihin at pinalalabas sa birth certificate ay si Aian daw ang nagluwal sa bata.

Sigaw tuloy sa socmed, isa na naman ba itong kasinungalingan ni transman Aian?

Ayon kasi sa isang very reliable source, si Apple umano ang aktwal na nagbuntis at nanganak sa bata. Yung partner ni Aian.

At Dahil dito, may mga nagtatanong kung tama ba talaga ang mga impormasyong nakasaad sa birth certificate at kung nasunod ba ang lahat ng umiiral na batas at regulasyon sa proseso ng IVF at sa pagrerehistro ng kapanganakan?

Dahil kung totoo ang sinabi ng source na si Apple ang nagluwal sa IVF baby, aba, di ba dapat ang nakalagay na mother sa birth certificate ay si Apple, at hindi si Transman Aian?

Nagtatanong lang naman!

At ito pa, dahil kung mapapatunayang may maling impormasyon sa isang pampublikong dokumento, aba, maaari itong maging usaping legal.

Delikado dito si transman Aian, kung sakali.

Ang malaking tanong ngayon sa usapin na ito: May pananagutan kaya dito ang isang malaking ospital sa Makati at ang dalawang sikat na IVF doctors na may kinalaman dito at sa pagpeke sa birth certificate kung sakali?

Kung may paglabag kasi sa mga umiiral na regulasyon sa reproductive medicine, at sa pagpeke ng dokumento kung totoo man, ay maaaring masuri rin ang naging papel ng mga sangkot na institusyon at propesyonal gaya ng ospital at mga naginng doktor at ang mga doktor na pumirma sa birth certificate.

Bukas naman ang Remate online sa panig ni transman Aian. JP Ignacio

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here