Pinangunahan ni Bureau of Customs (BOC) Commissioner Ariel F. Nepomuceno ang inspeksyon sa mga ilegal na droga na nagkakahalaga ng ₱41 milyon sa Central Mail Exchange Center sa Pasay City nitong Biyernes.
Nasamsam sa pasilidad ang 39 na pakete na naglalaman ng marijuana, ecstasy, at kush—na ipinadala mula sa iba’t ibang bansa tulad ng India, USA, Germany, Spain, Canada, United Kingdom, at Netherlands—at nakatago sa loob ng mga kahon ng alahas, mga libro para sa bata, mga laruan, at mga dekorasyong pamasko. ERIC OCAPAN