Home METRO Marijuana brownies, huli sa parcel sa Cavite

Marijuana brownies, huli sa parcel sa Cavite

1
0

CAVITE, Philippines – Isang umanong drug pusher ang nasakote makaraang makuhanan ng dalawang parcel na naglalaman ng umano’y marijuana brownies at pinatuyong dahon ng marijuana sa isinagawang operation ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA)  sa Barangay Gavino Maderan, General Mariano Alvarez (GMA), Cavite.

Sa report ng pulisya,Kinilala ang naaresto na ai  alyas na “Jonathan,” 32-anyos, residente ng Pasay City.

Nadakip siya  siya bandang alas-7:00 ng gabi.ng .mga  operatiba ng PDEA Seaport Interdiction Unit-Batangas at PDEA Regional Office 4A Special Enforcement Team 1.

Nakumpiska mula sa dalawang parcel box ang tinatayang 80 gramo ng hinihinalang marijuana brownies na nagkakahalaga ng humigit-kumulang ₱6,000, at 60 gramo ng hinihinalang pinatuyong dahon ng marijuana na may tinatayang halaga na ₱7,500.

Ayon sa PDEA, ang operasyon ay bahagi ng kanilang pinaigting na kampanya laban sa paggamit ng mga courier at parcel services sa pagpapadala ng mga ipinagbabawal na droga.

Mahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa Section 11 (Possession of Dangerous Drugs), Article II ng Republic Act No. 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Patuloy namang pinaaalalahanan ng PDEA ang publiko na makipagtulungan sa mga awtoridad at agad iulat ang anumang kahina-hinalang aktibidad na may kaugnayan sa ilegal na droga upang mapigilan ang pagkalat nito sa mga komunidad. MARGIE BAUTISTA 

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here