Home NATIONWIDE Padilla: ‘Komunismo’ tumutukoy sa pagkakapantay-pantay, ‘di armadong pakikibaka

Padilla: ‘Komunismo’ tumutukoy sa pagkakapantay-pantay, ‘di armadong pakikibaka

4
0

MANILA, Philippines – Nilinaw ni Senador Robin Padilla na mali ang naging interpretasyon ng ilan sa kanyang pahayag tungkol sa komunismo sa gitna ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte.

Ayon kay Padilla, may malaking pagkakaiba ang armadong komunismo na isinulong nina Vladimir Lenin at Mao Zedong at ang mas naunang konsepto ng pagtutulungan, pagkakapatiran, at pantay na pagbabahagi ng yaman.

Ipinaliwanag niyang ang Marxist-Leninist at Maoist na ideolohiya ay nagdulot ng mga armadong rebolusyon, digmaang sibil, at karahasan sa iba’t ibang bansa. Aniya, umabot din ito sa Pilipinas at naging sanhi ng mahigit limang dekadang armadong tunggalian na kumitil sa buhay ng libo-libong Pilipino.

Binigyang-diin ni Padilla na hindi ito ang komunismong tinutukoy niya. Aniya, ang kanyang tinutukoy ay ang diwa ng pagtutulungan at pagkakapatiran na makikita sa Christian Communism ng mga unang Kristiyano at sa Mu’akhat na ipinatupad ni Propeta Muhammad sa Medina, kung saan nagbabahaginan ng yaman at nagtutulungan ang mga miyembro ng komunidad.

Iginiit ng senador na tutol siya sa karahasan at armadong pakikibaka at naniniwalang ang tunay na pagbabago ay makakamit sa pamamagitan ng pagkakaisa, paggalang sa buhay, at pagtutulungan ng mga Pilipino.

Inilabas ni Padilla ang pahayag matapos siyang batikusin ng aktres na si Angel Locsin, na nanawagan sa senador na muling suriin ang kanyang paninindigang pampulitika. RNT/MDS

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here