Pinangunahan ni Philippine Red Cross Secretary General Dr. Gwen Pang, kasama ang mga lokal na opisyal at iba pang panauhin, ang “Hawak Mo ang BEAT: National CPR Day—Handa Ka Na Ba Magligtas ng Buhay?” na sabay-sabay na CPR exercise sa buong bansa nitong Biyernes, Hulyo 17, 2026, sa Risen Garden, Quezon City Hall.
Layunin ng aktibidad na palawakin ang kaalaman ng publiko tungkol sa cardiopulmonary resuscitation (CPR) at turuan ang mas maraming mamamayan ng mga kasanayang makapagliligtas ng buhay. Isinagawa rin ito bilang bahagi ng paggunita sa National CPR Day at Disaster Resilience Month. DANNY QUERUBIN