Home NATIONWIDE Krimen bumaba sa ilalim ng ‘Safer Cities’ Program

Krimen bumaba sa ilalim ng ‘Safer Cities’ Program

2
0

MANILA, Philippines – Iniulat ng Philippine National Police (PNP) na bumaba ang bilang ng krimen sa bansa matapos ang tatlong buwang pagpapatupad ng “Safer Cities” program.

Ayon kay PNP Public Information Office chief Col. Allen Rae Co, mas ligtas na ngayon ang bansa kumpara sa mga nakaraang buwan, kahit may mga kaso pa ring nakakatanggap ng malaking atensyon ng publiko.

Batay sa datos ng PNP, bumaba ng 20.6 porsiyento ang mga pangunahing krimen, mula 9,506 kaso noong Enero 6 hanggang Abril 5, sa 7,883 kaso mula Abril 6 hanggang Hulyo 4.

Kabilang sa mga krimeng bumaba ang murder, homicide, rape, robbery, theft, physical injury, at carnapping ng motorsiklo at iba pang sasakyan.

Ayon kay Co, isa sa mga dahilan ng pagbaba ng krimen ay ang mas mahigpit na pagpapatupad ng batas laban sa pag-inom sa pampublikong lugar, paggamit ng videoke lampas sa itinakdang oras, paglabag sa curfew ng mga menor de edad, at iba pang paglabag sa ilalim ng Safer Cities program na inilunsad noong Abril 6. RNT/MDS

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here