Home NATIONWIDE Higit 20,000 Pulis, ide-deploy sa ika-5 SONA ni PBBM

Higit 20,000 Pulis, ide-deploy sa ika-5 SONA ni PBBM

4
0

MANILA, Philippines – Magde-deploy ang Philippine National Police (PNP) ng mahigit 20,000 tauhan para sa seguridad ng ika-5 State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

Ayon kay PNP Public Information Office chief Col. Allen Rae Co, kasama sa mga ide-deploy ang mga tauhan mula sa Armed Forces of the Philippines (AFP) at Philippine Coast Guard (PCG).

Sinabi ni Co na nakahanda na ang komprehensibong security plan ng PNP para sa SONA, ngunit hindi pa nila inilalabas ang eksaktong bilang ng mga pulis na ilalagay sa bawat lugar.

Gaganapin ang SONA sa ikaapat na Lunes ng Hulyo, kung saan ihaharap ng Pangulo ang ulat tungkol sa kalagayan ng bansa at mga programa ng kanyang administrasyon. RNT/MDS

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here