DAVAO OCCIDENTAL, Philippines – Isang magnitude 5.5 na lindol ang tumama sa karagatan malapit sa Balut Island, Sarangani, Davao Occidental madaling-araw ng Sabado, ayon sa PHIVOLCS.
Naitala ang lindol dakong 12:12 a.m. at tectonic ang pinagmulan nito. May lalim itong 14 kilometro.
Naramdaman ang pagyanig sa mga sumusunod na lugar:
-Intensity IV – General Santos City, Malapatan at Glan (Sarangani), at Tupi (South Cotabato)
-Intensity III – Kiamba at Maasim (Sarangani)
Ayon sa PHIVOLCS, wala namang inaasahang pinsala o aftershocks mula sa lindol. RNT/MDS