Home HOME BANNER STORY Imbestigasyon sa flood control issue vs Romualdez, malapit ng matapos ng Ombudsman

Imbestigasyon sa flood control issue vs Romualdez, malapit ng matapos ng Ombudsman

3
0

MANILA, Philippines – Inihayag ni Ombudsman Jesus Crispin Remulla na malapit nang matapos ng kanyang tanggapan ang fact-finding investigation laban kay dating House Speaker Martin Romualdez kaugnay ng umano’y iregularidad sa mga flood control project.

Ayon kay Remulla, halos handa na silang magsampa ng kasong plunder, ngunit tinitiyak muna nilang kumpleto at matibay ang lahat ng ebidensya bago ito ihain sa korte.

Hindi muna isiniwalat ni Remulla ang mga ebidensyang hawak ng Ombudsman, ngunit sinabi niyang sinusuri nila ang umano’y mga budget insertion na ginawa matapos maaprubahan ang 2025 national budget.

Binanggit din niya na posibleng gawing state witness si dating Public Works Secretary Manuel Bonoan upang mapalakas ang kaso.

Bukod kay Romualdez, sinabi ni Remulla na may iba pang mga mambabatas na sumasailalim din sa fact-finding investigation kaugnay ng isyu sa flood control, habang patuloy ring iniimbestigahan ang mga reklamong isinampa laban kina Sen. Francis Escudero at Sen. Joel Villanueva.

Iginiit ni Remulla na bagama’t nais ng publiko na mapabilis ang proseso, kailangang sundin ang tamang proseso ng batas upang matiyak na matibay ang mga kasong isasampa. RNT/MDS

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here