Mumbai, India – Who says idols cannot be fans themselves too?
Ganito nga ang nangyari kay Jericho Rosales na nag-post sa Instagram ng kanyang pagdalo sa preem night ng movie ni Matt Damon sa Mumbai, India kamakailan.
Ayon sa aktor: “Warning: this video contains strong emotions to a great movie!”
Narito ang ilang netizens’ reactions:
“Oh, my God…wala siyang keber kahit mabingi ang katabi niya sa sigaw niya!”
llang beses daw napaiyak si Jericho sa kuwento ng pelikula, prompting him to say: “What an experience!”
Nauna nang ibinida ng Kapamilya actor na long-time fan siya ni Christopher Nolan: “And it’s an honor na maimbitahan sa premiere!”
Fanboy kung fanboy nga ang peg ni Echo na nakasalamuha din sina Nolan, Matt at iba pang cast members sa red carpet.
Itsinika din ni Echo ang popcorn box na pinirmahan ni Christopher Nolan.
Souvenir daw ‘yon ng aktor mula sa director-idol.
Napa-OMG naman si Bea Alonzo, gayundin si Iza Calzado. Ronnie Carrasco III