Home METRO HVI, lolong tulak ng tobats, tiklo

HVI, lolong tulak ng tobats, tiklo

2
0

BATAAN, Philippines – Timbog sa mga awtoridad ang dalawang indibidwal  kabilang ang isang high value individual (HVI) at isa pang senior citizen matapos masakote at makorner ang mga suspek sa ikinasang buybust operation ng pulisya sa isang gasoline station sa Barangay Bilolo, Orion.

Batay sa ulat ni Orion Municipal Police Station Chief of Police Major  Madtaib Jalman Kay Central Luzon Police Director Brigadier General Jess Mendez.

Ikinasa ang operasyon ng magkasanib puwersa ng Bataan Police Drug Enforcement Unit at Orion Municipal Police Station DEU na pinangunahan ni Police Major John Patrick R Balcanao.

Kinilala ng pulisya ang mga naarestong suspek na sina Alyas “Malik”, 40 anyos na isang HVI at kasabwat nitong si alyas “Anto”, 66 anyos na kapwa naninirahan sa Mountain View, Mariveles, Bataan.

Sa ulat, Hindi na nakapalag pa nang arestuhin ang mga suspek matapos umanong maaktuhang magkasabwat nagbenta ng shabu sa undercover police.

Narekober sa mga suspek ang nasa higit 56 grams ng suspected shabu na may standard drug price ng higit P383,000 at ang marked at boodle money na ginamit sa buybust.

Nasa kustodiya na nang pulisya ang mga naarestong suspek na mahaharap sa kasong paglabag Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Act of 2002. (ROEL TARAYAO)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here