PANGASINAN, Philippines – Patay ang isang 68-anyos na lola matapos mabangga ng isang Multi-Purpose Vehicle (MPV) sa national highway sa bayan ng Pozorrubio ng lalawigang ito kagabi, Hulyo 17.
Ayon sa Pozorrubio MPS, ang 30-anyos na lalaking driver ng kulay puting Toyota Innova ay residente ng Binalonan, Pangasinan, isang LGU employee samantalang ang lolang nasawi ay residente naman ng Urdaneta City, Pangasinan.
Sa inisyal na imbestigasyon, ang Toyota Innvova ay bumibiyahe papuntang timog nang biglang tumawid sa kalsada ang matanda.
Dahil dito, aksidenteng nabangga ng Toyota Innova ang naturang pedestrian.
Dahil sa impak, tumilapon sa kalsada ang matanda at nagtamo ng severe injuries.
Isinugod sa Pozorrubio Community Hospital sa Brgy. Talogtog, Pozorrubio, Pangasinan ang pedestrian ngunit idineklarang dead on arrival ng umatending doctor.
Hindi naman nasaktan sa naturang insidente ang driver ng Toyota Innova at ang mga kasama nitong nakasakay sa naturang sasakyan. Rolando S. Gamoso