Home METRO Bahagi ng Bukidnon-Davao highway gumuho

Bahagi ng Bukidnon-Davao highway gumuho

2
0

DAVAO, Philippines – Gumuho ang malaking bahagi ng Bukidnon-Davao highway sa Sitio Marahan, Barangay Marilog, Davao City nitong Biyernes ng gabi, dahilan upang hindi na madaanan ang pangunahing kalsada papuntang Bukidnon at Cagayan de Oro City.

Ayon sa Department of Public Works and Highways (DPWH)-Region 11, sanhi ng pagguho ang landslide dulot ng ilang linggong tuloy-tuloy na pag-ulan na nagpahina sa lupa sa lugar.

Pinayuhan ang mga motorista na dumaan muna sa alternatibong ruta na Datu Ladayon–Marahan–Katipunan, Cotabato patungong Camp 1 sa Maramag, Bukidnon, na magdadagdag ng humigit-kumulang 30 minuto sa biyahe.

Sinabi ng DPWH na nagsasagawa na ng inspeksyon at pag-aaral ang kanilang mga inhinyero upang maibalik agad ang access sa kalsada.

Inilikas din ang mga residente matapos mapansin ang paggalaw ng lupa. Ilang bahay ang bahagyang natabunan ng lupa, ngunit wala namang naitalang nasugatan.

Patuloy na binabantayan ng mga awtoridad ang lugar dahil sa banta ng landslide dulot ng patuloy na pag-ulan. RNT/MDS

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here