Home HOME BANNER STORY BJMP: Marcoleta, iba pang high-profile PDL, ‘di nakakulong sa air-conditioned cell

BJMP: Marcoleta, iba pang high-profile PDL, ‘di nakakulong sa air-conditioned cell

3
0

MANILA, Philippines – Nilinaw ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) na hindi nakakulong sa air-conditioned na selda si Senador Rodante Marcoleta at iba pang high-profile persons deprived of liberty (PDLs) sa Quezon City Jail Male Dormitory (QCJMD).

Ayon kay BJMP spokesperson Supt. Jayrex Bustinera, walang espesyal o VIP na pagtrato sa sinumang PDL. Aniya, ang mga kuwartong may air conditioner ay para sa consultation area ng mga doktor at iba pang administrative offices, hindi para sa mga bilanggo.

Kasalukuyang nasa infirmary si Marcoleta at ililipat sa general population sa Hulyo 22, alinsunod sa karaniwang proseso. Ginagamit lamang ang infirmary para sa mga PDL na may nakahahawang sakit o nangangailangan ng espesyal na pangangalagang medikal.

Noong Hulyo 15, nagsagawa rin ng inspeksyon si Sandiganbayan Justice Karl Miranda sa pasilidad upang tiyakin ang kakayahan nitong pangalagaan ang mga PDL.

Iginiit ng BJMP na lahat ng nakakulong, kabilang ang mga kilalang personalidad, ay pantay ang pagtrato at walang binibigyan ng espesyal na pribilehiyo. Kabilang sa mga nakadetine sa QCJMD sina Senador Jinggoy Estrada, dating Senador Bong Revilla, dating kongresista Mike Defensor, at ilang opisyal ng DPWH na nahaharap sa mga kasong may kaugnayan sa umano’y anomalya sa flood control projects. RNT/MDS

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here