MANILA, Philippines – Nakakaapekto ang Habagat sa kanlurang bahagi ng Northern Luzon ngayong Linggo, Hulyo 19.
Ayon sa PAGASA, ang Ilocos Region at Zambales ay makararanas ng maulap na kalangitan na may kalat-kalat na pag-ulan at thunderstorm dahil sa Habagat.
Ang Cordillera Administrative Region, Batanes, at Babuyan Islands naman ay magkakaroon ng bahagyang maulap hanggang sa maulap na kalangitan na may isolated rainshowers o thunderstorms dahil sa Habagat.
Habang ang Metro Manila at nalalabing bahagi ng bansa ay magkakaroon ng bahagyang maulap hanggang sa maulap na kalangitan na may isolated rainshowers o thunderstorms dahil sa localized thunderstorm. RNT/JGC