MANILA, Philippines – Mas marami pang senador ang kumondena sa AI-generated video ng China Daily na nagpapakita sa mga Filipino bilang mga unggoy.
Ayon sa isang mambabatas, dapat na maglabas ng public apology ang Beijing kaugnay nito.
Makikita kasi sa inilabas na AI-generated video ng state-owned media outlet na China Daily ang isang unggoy na nakasuot ng barong. Ang unggoy ay kalaunang tinamaan ng water cannon.
Naghain ng diplomatic protest ang Pilipinas at ipinag-utos ang pag-aalis ng video sa umano’y “demeaning, dehumanizing, and racist” content.
Sa pahayag, tinawag ni Senador Risa Hontiveros ang video bilang “appalling,” at sinabing pinapahina nito ang kredibilidad ng China at lalong magbibigay ng pagdududa sa sinasabi nitong “fostering friendship and mutual respect with the Philippines.”
“The Chinese government owes the Filipino people a public apology. Until then, this utterly racist act will stand as a violation of the most basic standards of respect that should govern relations between nations. Racism has no place in public discourse, and certainly no place in statecraft,” sinabi ni Hontiveros.
Samantala, sinabi rin ni Senador Panfilo Lacson na sumasalamin ito ng ugali ng Beijing.
“Kung unggoy ang turing nila sa mga Pilipino, ano sila kung pag-uugali at karakter ang batayan?” saad sa pahayag ni Lacson.
Ani Lacson, ang paulit-ulit na pambubully ng China ay nagpapalakas lamang sa 2016 Arbitral Award, na kumikilala sa claims ng Manila sa West Philippine Sea.
Sinabi rin g senador na dapat labanan ng Pilipinas ang korapsyon para palakasin ang ekonomiya nito at mapabuti ang defense capabilities.
Noong Biyernes, kinondena rin nina Senador Francis Pangilinan at Juan Miguel Zubiri ang video.
Sa kabila nito, sinabi naman ni Senador Robin Padilla na si Philippine Coast Guard (PCG) spokesperson for the West Philippine Sea Jay Tarriela ang naunang pumasok sa gulo.
“As for the Chinese media, aren’t we all monkeys of different colors in the eyes of white colonizers/supremacists? Filipinos are brown, and Chinese and Japanese are yellow,” sinabi ni Padilla sa isang Facebook post.
Kinontra naman ni Tarriela si Padilla at sinabing ang mga komentong ito ay nakakainsulto para sa mga bumoto sa kanya noong 2022 elections. RNT/JGC