Home NATIONWIDE Habagat nakakaapekto sa kanlurang bahagi ng Northern Luzon

Habagat nakakaapekto sa kanlurang bahagi ng Northern Luzon

4
0

MANILA, Philippines – Nakakaapekto ang Habagat sa kanlurang bahagi ng Northern Luzon ngayong Linggo, Hulyo 19.

Ayon sa PAGASA, ang Ilocos Region at Zambales ay makararanas ng maulap na kalangitan na may kalat-kalat na pag-ulan at thunderstorm dahil sa Habagat.

Ang Cordillera Administrative Region, Batanes, at Babuyan Islands naman ay magkakaroon ng bahagyang maulap hanggang sa maulap na kalangitan na may isolated rainshowers o thunderstorms dahil sa Habagat.

Habang ang Metro Manila at nalalabing bahagi ng bansa ay magkakaroon ng bahagyang maulap hanggang sa maulap na kalangitan na may isolated rainshowers o thunderstorms dahil sa localized thunderstorm. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here