Home HOME BANNER STORY Imbestigasyon sa 2019 SEA Games ibabatay sa katotohanan, ebidensya – Remulla

Imbestigasyon sa 2019 SEA Games ibabatay sa katotohanan, ebidensya – Remulla

7
0

MANILA, Philippines – Ibabatay sa ebidensya ang imbestigasyon sa mga umano’y iregularidad sa konstruksyon ng sports facilities para sa 2019 Southeast Asian Games, ayon kay Ombudsman Jesus Crispin Remulla nitong Sabado, Hulyo 18.

“Titingan natin. We will look at the facts. Evidence pa rin ‘yan, evidence-based,” sinabi ni Remulla.

Aniya, ang kaso ay ikokonsiderang tuluyang na-dismiss kung makakaabot ito sa arraignment stage at maging applicable ang principle of double jeopardy.

“Final lang ‘yan kung talagang na-file sa korte. At nagkaroon ng arraignment at may double jeopardy na. Otherwise, wala tayong magagawa ‘yan,” ani Remulla.

Noong Huwebes, sinabi ni Assistant Ombudsman Mico Clavano na ang kasong inihain laban kay Public Works and Highways Secretary Vince Dizon kaugnay sa 2019 SEA Games sports facilities ay na-dismiss dahil sa kakulangan ng ebidensya.

Si Dizon ay pangulo at chief executive officer ng Bases Conversion and Development Authority (BCDA) nang pangasiwaan nito ang konstruksyon ng New Clark City sports complex para sa 2019 SEA Games.

Ani Clavano, ang dismissal ay nakapaloob sa joint resolution na inisyu noong Disyembre 2021.

Sinabi rin ng Malakanyang na si Dizon ay cleared na sa mga kaso sa kontrobersiya.

Nang tanungin naman kaugnay sa dismissal ng kaso ni Dizon, sinabi ni Remulla na, “I asked my staff to get the whole file for 2021 to see and to look at the possible violations of law.”

Wala pang tugon si Dizon kaugnay nito. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here