Home NATIONWIDE ALAMIN: Mga isinarang kalsada, re-routing sa rally ng UPI sa Maynila

ALAMIN: Mga isinarang kalsada, re-routing sa rally ng UPI sa Maynila

10
0

MANILA, Philippines – Isinara ang ilang kalsada sa Maynila dahil sa nakatakdang rally ng United People’s Initiative ngayong Linggo, Hulyo 19.

Ayon sa Manila Police District, sarado ang mga sumusunod na kalsada mula nitong hapon ng Sabado hanggang ngayong araw:

Chino Roces Bridge Mendiola
Kahabaan ng C. M. Recto Avenue mula Nicanor Reyes St. hanggang Mendiola St.
Kahabaan ng Legarda St. mula Figueras St. hanggang San Rafael St.
Ayala Bridge
Eastbound lane ng Ayala Blvd. mula San Marcelino St. hanggang Romualdez St.

Samantala, simula alas-6 ng umaga ngayong Linggo ay sarado rin ang kahabaan ng Magallanes Drive mula Jones Bridge hanggang MacArthur Bridge sa Liwasang Bonifacio.

Nakadepende naman ang pagsasara sa southbound lane ng MacArthur Bridge, Quezon Bridge at Lerma Street sa traffic at crowd situations, kabilang ang mga kalsada mula:

Plaza Lacson hanggang Liwasang Bonifacio
A. Mendoza St. o Fugoso St. hanggang Quezon Bridge patungong Liwasang Bonifacio
España Blvd. o P. Campa St. hanggang A. Mendoza St. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here