Home NATIONWIDE DSWD nagpaabot ng tulong sa pamilya ng pinatay na moto taxi rider...

DSWD nagpaabot ng tulong sa pamilya ng pinatay na moto taxi rider sa Caloocan

5
0

MANILA, Philippines – Nagpaabot ng tulong ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa naulilang pamilya ng motorcycle (MC) taxi rider na si Fabio Norberte Jr., na nasawi sa saksak ng kanyang pasahero sa Brgy. 20, Caloocan City noong Hulyo 14.

“Ang DSWD ay nakikiramay sa pamilya ng nasawing MC taxi rider na si Fabio Jr. Agad pong nagbahagi ng tulong ang DSWD Field Office (FO) National Capital Region (NCR) sa kanilang pamilya dahil napag-alaman po namin na siya ay isang solo parent at may anak na may autism spectrum disorder (ASD),” sinabi ni Asst. Secretary Irene Dumlao, ang tagapagsalita ng DSWD, nitong Sabado, Hulyo 18.

Kaugnay nito, nagbigay ang DSWD ng cash aid na nagkakahalaga ng P10,000 at isang kahon ng family food pack (FFP) sa kapatid ng biktima, na tumanggap ng tulong sa ngalan ng pamilya.

Ipinaalam din ng DSWD FO-NCR sa pamilya na ibibigay din ang tulong sa libing sa pamamagitan ng guarantee letter (GL).

Binigyan din ang kapatid ng biktima ng listahan ng mga documentary requirements para sa pag-avail ng tulong medikal at iba pang uri ng tulong pinansyal sa ilalim ng Assistance to Individuals in Crisis Situation (AICS) program ng DSWD.

Ayon sa ulat ng pulisya, inatake umano ang biktima ng ice pick ng kanyang pasahero habang dinadala ang suspek. Iniulat na kinuha ng salarin ang motorsiklo ng biktima bago tumakas.

“Alinsunod sa utos ni Secretary Rex Gatchalian, nakahandang magbigay pa ng DSWD ng mga nararapat na interbensyon upang matulungan ang pamilya ng nasawing MC taxi rider hanggang sa malagpasan nila ang kanilang pagdadalamhati at matugunan ang kanilang pangangailangan,” sinabi ng DSWD spokesperson. Santi Celario

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here