Home NATIONWIDE Patay sa Venezuela quake lampas 5K na

Patay sa Venezuela quake lampas 5K na

6
0

VENEZUELA – Lampas na sa 5,000 ang bilang ng mga nasawi sa kambal na lindol na tumama sa Venezuela noong nakaraang buwan.

Ito ay kasabay ng pag-anunsyo na magpapalabas ang International Monetary Fund (IMF) ng daang milyong dolyar ng pondo para sa reconstruction.

Matatandaan na tumama ang magnitude 7.2 at 7.5 na lindol noong Hunyo 24 sa coastal state ng La Guaira.

Ayon kay National Assembly chief Jorge Rodriguez, naitala na sa 5,069 ang eksaktong bilang ng mga nasawi dahil sa lindol.

Nananatili naman sa 16,740 ang bilang ng mga nasaktan.

Noong Biyernes, sinabi ni Interim President Delcy Rodriguez na makakakuha ang bansa ng $346 million mula sa IMF para sa earthquake reconstruction.

Kinumpirma naman ni IMF Managing Director Kristalina Georgieva ang paglalabas ng pondo at sinabing ang institusyon “worked with key counterparts to help Venezuela access its own resources at the Fund for urgent humanitarian needs,” adding that the funds had been drawn “from their reserve tranche.”

Nasa 20,000 katao ang nawalan ng tirahan dahil sa lindol at ngayon ay tumutuloy sa mga siksikang camps.

Naging problema rin ang kakulangan sa suplay ng malinis na tubig at maayos na sanitation systems. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here