Home METRO Pasay LGU kinilala ng DILG-NCR bilang ‘highly-compliant’ sa 2025 Manila Bay Clean-up

Pasay LGU kinilala ng DILG-NCR bilang ‘highly-compliant’ sa 2025 Manila Bay Clean-up

13
0

MANILA, Philippines – Nakatanggap ang Pamahalaang Lungsod ng Pasay ng 91.39 porsiyentong marka at kinilalang “Highly Compliant” sa 2025 Manila Bay Clean-up, Rehabilitation and Preservation Program (MBCRPP) Local Government Units Compliance Assessment (LGU-CA) na isinagawa ng Department of the Interior and Local Government–National Capital Region (DILG-NCR).

Pinuri ng DILG-NCR ang lungsod sa ilalim ng pamumuno ni Mayor Emi Calixto-Rubiano dahil sa mahusay nitong pamamahala at tuloy-tuloy na pagpapatupad ng mga programang pangkalikasan na nagtataguyod ng pangangalaga sa kapaligiran, kalinisan, at konserbasyon at rehabilitasyon ng Manila Bay.

Ang pagkilalang ito ay sumasalamin sa patuloy na pangako ng lungsod sa pangangalaga sa kalikasan sa pamamagitan ng iba’t ibang inisyatiba na naglalayong mapanatiling malinis ang mga daluyan ng tubig, mapabuti ang pamamahala sa basura, at maprotektahan ang mga yamang baybayin.

Pinagtitibay rin ng naturang pagkilala ang bisyon ng lungsod na maging kauna-unahang EcoCity ng bansa, na nagpapakita ng matatag nitong pangmatagalang adhikain para sa napapanatiling pag-unlad ng lungsod at responsableng pamamahala sa kapaligiran.

Ayon naman kay Calixto-Rubiano, patuloy ang lokal na pamahalaan sa pagpapaigting ng mga programang nagsusulong ng pananagutan sa pangangalaga sa kalikasan at hinihikayat ang aktibong pakikilahok ng komunidad sa pangangalaga ng Manila Bay at ng kapaligiran para sa susunod na mga henerasyon. James I. Catapusan

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here