Home NATIONWIDE Statutory rape suspek tiklo sa Parañaque

Statutory rape suspek tiklo sa Parañaque

13
0

MANILA, Philippines – Nadakip ng mga tauhan ng Parañaque City police sa pakikipag-ugnayan sa mga opisyal ng barangay ang isang 53-anyos na lalaki na nahaharap sa kasong statutory rape sa Barangay Marcelo Green, Parañaque City Linggo ng hapon, Hulyo 19.

Isinagawa ang agarang pag-aresto sa ilalim ng pamumuno ni Parañaque police chief P/Col. Nicolas S. Piñon na nagpapakita ng mabilis na pagtugon ng himpilan at mahigpit na pagpapatupad ng batas na nagpoprotekta sa kababaihan at mga bata laban sa sekswal na karahasan ay kinilala ang suspek na si alyas Maning, 53, residente ng Barangay Marcelo Green, Parañaque City.

Batay sa paunang imbestigasyon, naganap ang insidente bandang alas-12:30 ng tanghali kung saan ilegal na pumasok ang suspek habang nagpapahinga ang 10-taong-gulang na biktima sa loob ng kanilang tahanan at di-umanoý sekswal na inabuso ang bata.

Dumating ang ina ng biktima habang nagaganap ang insidente at nasaksihan ang pang-aabuso sa pamamagitan ng siwang ng pinto. Agad siyang namagitan upang iligtas ang kanyang anak. Matapos ang maikling komprontasyon, tumakas ang suspek sa lugar.

Kaagad namang humingi ng tulong ang ina sa mga tanod ng barangay at sa pakikipagtulungan ng mga tauhan ng Marcelo Green police Sub-Station na nagsagawa ng agarang operasyon na nagdulot ng pagkakadakip ng suspek.

Ipinaalam sa suspek ang kanyang mga karapatang konstitusyonal alinsunod sa Miranda Doctrine sa wikang kanyang lubos na nauunawaan. Pagkatapos nito, dinala siya sa Women and Children Protection Desk (WCPD) ng Parañaque City Police Station para sa kaukulang dokumentasyon at paghahanda ng kasong paglabag sa Republic Act No. 11648 (Statutory Rape), na ihahain sa Office of the Prosecutor.

Pinuri naman ni Southern Police District (SPD) director P/Brig. Gen. Glenn Oliver C. Cinco ang maagap na pagkilos ng pamilya ng biktima, mga tanod ng barangay, at mga rumespondeng pulis at nagsabing mananatiling agresibo at wala silang sasantuhin sa pagtugis sa mga taong gumagawa ng krimen laban sa mga menor de edad upang matiyak na mapanagot ang mga lumalabag sa batas at mapangalagaan ang kaligtasan ng mga bata sa komunidad. James I. Catapusan

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here