Home NATIONWIDE Barangay kagawad sa Isabela nahulihan ng baril at bala

Barangay kagawad sa Isabela nahulihan ng baril at bala

7
0

LUNGSOD NG ILAGAN, Isabela – Bumagsak sa kamay ng alagad ng batas ang isang barangay kagawad matapos mahulihan ng baril at bala sa pagsalakay sa kanyang bahay sa Purok 7, Barangay Cabisera 17-21, Lungsod ng Ilagan, Isabela.

Sa direktiba ni PCol. Manuel Bringas, Provincial Director ng Isabela Police Provincial Office o IPPO sa pinaigting na kampanya laban sa ilegal na pagmamay-ari at pag-iingat ng mga baril ay nahuli si alyas “Rene” ng pinagsanib na puwersa ng kapulisan sa paglabag sa Republic Act No. 10591 o ang Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act.

Dakong 6:15 ng umaga sa nasabing lugar sa bisa ng Search Warrant na inisyu ng Regional Trial Court, Second Judicial Region, City of Ilagan, Isabela ay nakumpiska mula kay alyas “Rene” ang isang caliber .357 revolver, isang caliber .45 pistol, isang magazine ng caliber .45, labing apat (14) bala ng caliber .357 at labing siyam (19) na bala ng caliber .45, isang basyo ng caliber .357, at iba pang kaugnay na kagamitan.

Matapos ang operasyon, dinala agad ang suspek at mga nakumpiskang ebidensya sa Criminal Investigation and Detection Group o CIDG Isabela Provincial Field Unit para sa kaukulang dokumentasyon sa isasampang kaso laban sa nasabing barangay opisyal. REY VELASCO

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here