MANILA, Philippines – Mahigpit na isinusulong ni Senador Francis “Kiko” Pangilinan ang isang kambal na panukala sa pagreporma ng sektor ng agrikultura upang makamit ang seguridad sa pagkain at maibaba ang presyo ng bilihin.
Sa pahayag, sinabi ni Pangilinan, chairman ng Senate committee on agriculture, food and agrarian reform na kailangan nang maipas anag renationalization ng agricultural extension services at paglikha ng Bureau of Agriculture Cooperatives—upang makamit ang pangmatagalng food security at maging abot-kaya ang halaga ng pagkain.
Aniya, nakapaloob ang kambal na panukala sa Senate Bill No. 1991, o ang Agriculture and Fisheries Extension Act, at Senate Bill No. 1990, o ang Agricultural Cooperatives Act, na magbibigay kapangyarihan ang magsasaka at mangingisda at mapabuti din ang produksiyon at matiyak ang sapat na pagkain.
Naipasa ang kambal na panukala sa ikalawang pagbasa sa Senado.
“Kung gusto natin makamit ang food security, kailangan natin magsimula sa mga sakahan
at palaisdaan. If we want affordable, fresh, and nutritious food on our tables, we must empower our farmers and fisherfolk. Sa kanilang hanay magmumula ang mas maganda at mas maraming produksyon ng pagkain na magpapababa ng presyo ng bilihin,” aniya.
Sa ilalim ng panukala ni Pangilinan sa Agricultural Extension Services Act, mapapahusay ang access ng magsasaka, mangingisda at agricultural stakeholders sa science-based farming technologies, climate-resilient production techniques, research, training, at technical assistance.
“The measure also seeks to strengthen coordination among national government
agencies, state universities and colleges, local government units, and the private sector to ensure that modern agricultural innovations and financial and technical assistance reach farming communities,” ayon sa senador.
Giit ni Pangilinan na kapag naisabatas ang extension services, mapapahusay ang ani, mapababa ang halaga ng produksiyon at magiging akma sa pagbabago ng klima at makakalikha ng mas maraming pagkain.
“Complementing this initiative is the proposed measure to strengthen agricultural cooperatives, which will enhance farmers’ and fisherfolk’s access to financing, post-harvest facilities, processing equipment, storage, transportation, and markets,” ayon sa senador.
“Ang solusyon sa mataas na presyo ng bilihin ay nakaangkla sa suportang ibinibigay natin sa ating mga magsasaka at mangingisda. Hindi puwede na patuloy tayong umasa sa mga imported na produkto,” ani Pangilinan.
“It is in our best interest that we build a productive, competitive, and resilient food system. Passing these twin measures—the agricultural extension services and the reestablishment of the Bureau of Agricultural Cooperatives—is an investment in our country’s food security,” giit pa niya. Ernie Reyes