Home HOME BANNER STORY Malakanyang kay Cayetano: Si Digong dapat sisihin sa napakong P10K pangako

Malakanyang kay Cayetano: Si Digong dapat sisihin sa napakong P10K pangako

13
0

MANILA, Philippines – SINABI ng Malakanyang na hindi dapat si Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ang sinisisi ni Senador Alan Peter Cayetano kung bakit napako ang kanyang panako na P10,000 ayuda sa bawat pamilya ay isinulong noong siya pa ay miyembro ng Kongreso.

Ipinaalala ni Presidential Communications Office (PCO) Undersecretary at Palace Press Officer Claire Castro sa press briefing sa Malakanyang na ang ipinangako ni Cayetano na P10,000 ay nangyari noong taong 2022, sa ilalim ng liderato ni dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte.

“Taong 2022, ang gumawa ng budget na iyan ay panahon pa ni dating Pangulong Duterte pero bakit hindi naisama iyong kaniyang proyekto o iyong kaniyang panukalang batas? Malamang ay hindi naniniwala sa kaniyang panukalang batas at mukhang kulang sa pag-aaral dahil ang hinihingi yata niya is 200 billion pesos,” ayon kay Castro.

“So, papaano na kaya iyong ibang mga proyekto kung sa 10k kada pamilya lang ito ibubuhos? So, dapat siguro aralin niya pang mabuti iyan para [unclear] niya iyong kapuwa niya mga mambabatas para sumang-ayon sa kaniya at maipasa ito, at hindi siya naninisi ng Pangulo,” aniya pa rin.

Bukod dito, tila ipinaalala pa rin ni Castro kay Cayetano na ang pangako nitong P10,000 na ayuda sa bawat pamilya ay isinulong noong siya pa ay miyembro ng Kongreso at nang hindi aniya umusad ay isinisi niya ito kay Quezon City Congressman Alfred Vargas.

Malinaw aniya na lumalabas na laging walang sala si Cayetano.

“At noong May 14, 2021, ito nga ay sinabi natin na noon pa ito ipinapanukala pero hindi ‘to umandar, hindi ‘to umusad kaya naninisi ng iba. So, hindi pa po pangulo si Pangulong Marcos Jr. dito, nang mga panahon na ito. At nang July 24, 2021 noong hindi nga po umusad, ang sabi niya, “Let’s give people 10K, not 10K excuses.” Again, dahil hindi ito umuusad sa Kongreso, muli naninisi siya ng iba.

Ang isang panukala, kung maganda naman ang maidudulot at kaya, hindi imposible itong ipasa at noong naipasa ang 2022 national budget, hindi pa rin po pangulo si Pangulong Marcos Jr. noon. At ikinalungkot niya na hindi ito nabigyan ng pansin dahil hindi naisama sa five trillion, 2022 national budget,” litaniya ni Castro.

“At ito lang June 30, 2022, sinabi niya, “Sa mga nagba-bash sa 10K ayuda, kung kaya ko lang silang bigyan ng tagsasampung-libo, binigay ko na sana sa kanila. Pero sa katotohanan, ito’y isang legislative proposal.” So, ang ibig sabihin nito, siya muna ang dapat na gumawa ng aksiyon. Kailangan niya muna itong paaprubahan sa Kongreso, sa House of Representatives at saka sa Senado,” aniya pa rin.

“Kung wala pa po siyang nagagawa, wala pong masasabing ni-reject ang Pangulo dahil wala po nga siyang nasisimulan. Itong mga kahinaan ni Senator Alan Cayetano, kabagalan at hindi walang kakayanan sa pagtupad sa kaniyang pangako ay huwag niya pong ipahid sa ibang tao,” dagdag na pahayag ni Castro.

Kaya nga nais na iparating ni Castro kay Cayetnao ay akuin nito (Cayetano) mismo kung ano ang kaniyang kakulangan.

“Ipinangako niya po itong 10K kada pamilya, hindi na nga po umusad noong siya ay miyembro ng Kongreso pero ginawa pa po niya ‘to na pangako sa kaniyang pangangampanya. Huwag niya naman sanang gayahin iyong pangakong ala jetski na pangkampanya lang,” ang winika ni Castro.

Sa ulat, inihayag ni Cayetano na tinanggihan ni Pangulong Marcos ang panukalang ipamahagi ang P10,000 na ayuda sa mga kwalipikadong benepisyaryo na bumabangon mula sa pandemya matapos siyang manalo sa pagkapangulo noong Eleksyon 2022.

“So noong 2021, going into 2022, sabi ko marami pang hindi nakaka-recover, so kaya ng ating budget magbigay. Pero pagkapanalo ni President Marcos, ayaw niya,” sabi ni Cayetano sa isang Facebook livestream nitong Biyernes, Hulyo 17, 2026.

“Pero every single year po tinatanong ko ‘yun sa aming Chairman of Finance, 200 to 300, minsan 400 billion ang ayuda. So kaya. Kaya pong bigyan ng 10K,” dagdag niya. KRIS JOSE

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here