Home METRO COA audit, Ombudsman probe hirit ni Magalong sa ‘unconstitutional’ budget

COA audit, Ombudsman probe hirit ni Magalong sa ‘unconstitutional’ budget

1
0

BAGUIO CITY – Hinimok ni Baguio City Mayor Benjamin Magalong ang Commission on Audit (COA) na magsagawa ng special audit sa mga pondong sangkot sa 2024, 2025 at 2026 national budgets na tinamaan ng desisyon ng Korte Suprema.

Nanawagan din si Magalong sa Office of the Ombudsman na magsagawa ng hiwalay at masusing imbestigasyon upang matukoy kung may mga opisyal ng gobyerno na maaaring managot sa ilalim ng batas.

Kabilang sa nais niyang ipa-audit ang P449.5 bilyong dagdag sa unprogrammed appropriations sa 2024 General Appropriations Act, P17.99 bilyong dagdag sa Special Road Fund sa 2025 GAA, at mga pondong nailabas sa ilalim ng ilang probisyon ng 2026 GAA na idineklarang unconstitutional ng Supreme Court.

Noong Oktubre 20, sinabi ng Supreme Court na unconstitutional ang 2024 GAA dahil sa pagtaas ng Congress ng unprogrammed appropriations ng P449.5 bilyon na nagresulta sa paglampas sa kabuuang halagang inirekomenda ng Pangulo.

Idineklara ring unconstitutional ang 2025 GAA dahil sa P17.99-bilyong dagdag sa DPWH Special Road Fund, habang pinawalang-bisa rin ang dalawang probisyon sa 2026 budget na may kinalaman sa release ng unprogrammed appropriations.

Ayon kay Magalong, dapat matukoy ng audit kung paano ginamit ang mga pondo at kung ang mga paggastos ay alinsunod sa umiiral na batas at regulasyon.

Iginiit din niya na ang anumang imbestigasyon ng Ombudsman ay dapat nakabatay sa facts at evidence at igalang ang karapatan ng lahat ng sangkot.

Nilinaw naman ng Supreme Court na hindi awtomatikong unconstitutional ang unprogrammed appropriations, ngunit kailangan itong may malinaw na limitasyon at safeguards upang mapanatili ang fiscal discipline, transparency at accountability.

Sinabi rin ng Korte na ang application ng doctrine of operative fact ay hindi awtomatikong naglilibre sa mga author, proponent o implementor mula sa posibleng criminal, civil o administrative liability maliban kung mapatutunayan ng tamang tribunal na kumilos sila nang may good faith.

RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here