Home NATIONWIDE LPA sa labas ng PAR may katamtamang tsansa na mabuo bilang bagyo...

LPA sa labas ng PAR may katamtamang tsansa na mabuo bilang bagyo – PAGASA

8
0

MANILA, Philippines – May katamtamang tsansa na maging isang bagyo ang low-pressure area (LPA) sa labas ng Philippine area of responsibility (PAR) na maaaring pumasok sa PAR mamayang hapon, o Miyerkules ng umaga.

Ayon kay Pagasa weather specialist Veronica Torres, maaaring magdala ng mga pag-ulan ang LPA sa oras na pumasok sa PAR at inaasahang lalapit sa bansa.

“Once it enters and gradually approaches our country, it could potentially bring rainfall to a large part of the nation,” ani Torres.

“This low pressure has a moderate chance of becoming a full-blown typhoon, meaning that in the next 24 hours the chance of a typhoon is low, but beyond 24 hours its chances are increasing,” dagdag pa nito.

Hanggang nitong alas-3 ng umaga, ang LPA ay namataan 1,630 kilometro silangan ng southeastern Luzon. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here