Home HOME BANNER STORY PNP alerto sa mga banta bago ika-5 SONA ni PBBM

PNP alerto sa mga banta bago ika-5 SONA ni PBBM

8
0

MANILA, Philippines – Nakaalerto ang Philippine National Police (PNP) laban sa posibleng cyber threats bago ang ikalimang State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa Hulyo 27.

Ayon kay PNP chief Gen. Jose Melencio Nartatez Jr., kabilang sa kanilang pangunahing binabantayan ang cyberattacks sa mahahalagang sistema ng gobyerno, pagkalat ng maling impormasyon, coordinated online influence operations, at mga online scam na maaaring samantalahin ang interes ng publiko sa SONA.

Sinabi niyang mahigpit nilang minomonitor ang cyber landscape at handang tumugon sa anumang banta katuwang ang iba pang ahensya.

Nauna nang inanunsyo ng PNP na magpapakalat ito ng 20,000 tauhan para sa seguridad ng SONA. Inaasahan ding magsasagawa ng mga kilos-protesta ang hindi bababa sa apat na grupo bago ang talumpati ng Pangulo.

Binigyang-diin ni Nartatez na mahalaga na ngayon ang cybersecurity tulad ng pisikal na seguridad upang maprotektahan ang mga digital system, matiyak ang tamang impormasyon, at mapanatili ang kaayusan at tiwala ng publiko. RNT/MDS

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here