MASBATE, Philippines – Sinabi ng Department of Agrarian Reform (DAR) Masbate na muling pinagtibay nito ang kanyang pangako sa pagpapalago ng kabuhayan ng mga Agrarian Reform Benerficiaries (ARBs) sa pamamagitan ng pakikilahok sa pagbabasbasd at pagpapasinaya ng bagong Rice Kropek Processing Facility sa Barangay Cayabon, Milagros.
Pinangunahan ni Officer-in-Charge Provincial Agrarian Reform Program Officer II Eleanor Torres, ang pakikiisa ang DAR Masbate sa mga magsasaka, lokal na opisyal, at mga katuwang na ahensya sa pagbubukas ng pasilidad na inaasahang magbibigay ng karagdagang kabuhayan at magpapataas ng halaga ng lokal na produksiyon ng palay.
Dinaluhan ang programa ng mga kinatawan mula sa Philippine Rice Research Institute (PhilRice), BPI Foundation (BPIF), Lokal na Pamahalaan ng Milagros, Department of Agriculture (DA), Department of Trade and Industry (DTI), Department of Science and Technology (DOST), gayundin ng mga samahan at kooperatiba ng mga magsasaka na nagtutulungan upang mapaunlad ang sektor ng agrikultura sa lalawigan.
Ipinakita ng pakikilahok ng DAR Masbate ang matatag nitong suporta sa RiceBIS x Farm-to-Table Project, isang pinagsamang inisyatiba ng DA-PhilRice Bicol at BPI Foundation, katuwang ang Baclay Agrarian Reform Beneficiaries Cooperative at iba pang samahan ng mga magsasaka sa Milagros.
Layunin ng proyekto na mapataas ang produktibidad ng mga magsasaka, maisulong ang napapanatiling mga negosyong pang-agrikultura, mapalawak ang kanilang akses sa pamilihan, at madagdagan ang kanilang kita sa pamamagitan ng paglikha ng mga produktong may mas mataas na halaga at mas matibay na ugnayan ng mga ahensya ng pamahalaan, pribadong sektor, at mga komunidad ng magsasaka.
Binigyang-diin ni Torres na ang mga inisyatibang tulad ng RiceBIS x Farm-to-Table Project ay kaagapay ng Agrarian Reform Beneficiaries Development Sustainability Program (ARBDSP) ng DAR, na naglalayong hubugin ang mga ARB bilang mga kompetitibong Agripreneur. Santi Celario