MANILA, Philippines – Binatikos ng ilang human rights groups si Sen. Alan Peter Cayetano matapos niyang tawaging “political prisoners” sina Sens. Rodante Marcoleta at Jinggoy Estrada na kapwa nahaharap sa kasong plunder.
Ayon sa grupong Kapatid, ang tunay na political prisoner ay ikinukulong dahil sa politikal na paniniwala o adbokasiya, at hindi dahil sa mga kasong may kinalaman sa katiwalian.
Iginiit ng grupo na ang pagkakakulong nina Marcoleta at Estrada ay kaugnay ng mga kasong plunder at hindi maituturing na political persecution.
Samantala, sinabi ni LAYA campaign spokesperson Amanda Echanis na isang “malaking insulto” sa mga tunay na political prisoner ang pahayag ni Cayetano. Aniya, hindi maaaring tawaging political prisoners ang mga taong nahaharap sa kasong korapsyon.
Nauna nang sinabi ni Cayetano na tila isa-isang tinatarget ang mga miyembro ng Senate minority kaugnay ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte. RNT/MDS