Home NATIONWIDE 11-anyos tigok, kapatid sugatan sa pananaksak ng tiyuhin sa NegOr

11-anyos tigok, kapatid sugatan sa pananaksak ng tiyuhin sa NegOr

4
0

MANILA, Philippines – Patay ang isang 11-anyos na lalaki habang sugatan ang kanyang nakatatandang kapatid matapos umano silang pagsasaksakin ng kanilang tiyuhin sa Manjuyod, Negros Oriental noong Hulyo 19, 2026.

Kumakain ng tanghalian ang mga biktima kasama ang kanilang mga kamag-anak sa bahay ng kanilang lolo at lola sa Barangay Candabong nang dumating ang suspek at, nang walang anumang dahilan, saksakin sa tiyan ang bunsong biktima, ayon sa imbestigasyon.

Sinaksak din ng suspek ang nakatatandang kapatid ng biktima, ngunit nakaligtas ito.

Hindi umano pinakinggan ng suspek ang pakiusap ng kanyang ama na sumuko sa mga awtoridad. Kalaunan, natagpuan siya ng mga humahabol na pulis na patay sa loob ng kanyang bahay matapos umano niyang kitilin ang sariling buhay.

Lumabas sa imbestigasyon na nagalit ang suspek nang hindi ibigay ng 11-anyos na biktima ang contact number ng kanyang asawa.

Iniwan umano siya ng kanyang asawa dahil sa madalas nitong paglalasing. Ayon sa mga kaanak, nagbago ang kilos ng suspek matapos ang kanilang paghihiwalay. Mary Anne Sapico

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here